Iginiit ng National Economic and Development Authority (NEDA) na dapat munang resolbahin ng pamahalaan ang problema sa COVID-19 bago nila makita ang bumubuting ekonomiya.
Ayon kay Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua, dapat matuto ang bansa na “sumayaw” kasama ang Coronavirus kung saan magpapatupad ang gobyerno ng mahigpit na quarantine measures para makontrol ang pagtaas ng kaso.
Iginiit ni Chua na kapag tumataas ang kaso ay kailangang ihinto ng ekonomiya tulad nang pagpapatupad ang Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa Metro Manila at kalapit na lalawigan.
Inihanda na ng pamahalaan ang economic recovery program, kabilang ang pagpasa sa panukalang Bayanihan 2, pagpapatupad ng Build, Build, Build, Infrastructure program at ang panukalang 2021 national budget.
Ang pagpapatupad ng MECQ ay gagamitin bilang pagkakataon para mapalakas ang healthcare system ng bansa.
Nabatid na bumagsak ang Pilipinas sa technical recession matapos bumaba ang ekonomiya sa 16.5% sa second quarter of the year.