Naisaayos na ang problema sa daloy ng trapiko sa bahagi ng Narciso Ramos Bridge sa Asingan matapos na pansamantalang isara ang isang lane nito.
Nagkaroon muna ng bahagyang pagbagal sa takbo ng mga sasakyan dahil sa retrofitting ng tulay.
Laking ginhawa naman umano sa mga motorista ang pagsasaayos ng daloy ng trapiko sa ngayon.
Pinayuhan ang mga motorista na habaan ang pasensya habang nagkakaroon ng pagsasagawa sa nasabing tulay maging ipinaalala ang disiplina sa pagmamaneho ng mga ito sa gitna ng kalsada.
Facebook Comments









