Dagupan City – Isa sa priority ng administrasyon ni Mayor Brian Lim ay ang pag-resolba hindi lamang ng baha kundi pati narin ang problema sa basura ng lungsod. Bilang tugon dito nagsagawa ng inspeksyon ang mga bagong kinatawan ng Dagupan sa Waste Management Division sa dumpsite sa barangay Bonuan Binloc na parte sa Waste Management Plan ng bagong administrasyon.
Tinatayang nasa 60 na mga dump trucks at trikes mula sa mga iba’t ibang barangay ang nagtatambak ng halo-halong basura sa nasabing dumpsite. Resulta ay unti-unting natabunan umano ang Eco-park sa nasabing lugar.
Ayon kay Teddy Villamil, ang consultant ng lungsod sa environment and land use management malala ang problema ng Dagupan City. Sa katunayan binigyan ng notice of violation ng Department of Environment and Natural Resources noong November 2016 ang Dagupan City dahil sa nasabing malalang kalagayan ng dumpsite. Kaya naman inirekomenda ngayon ni Villamil na kailangan itong tutukan at kinakailangan ng solidong suporta mula sa pamahalaang lungsod para sa konkretong programa sap ag-resolba ng nasabing problema.
Samantala sa kasalukuyang bilang na 92 regular employee ng Waste Management Division ng Dagupan ito ay dinagdagan ng 80 job-orders upang tutukan ang problema sa basura ng lungsod. Nirekomenda din ang pagbuo ng barangay solid waste management committee at waste management unit na tutulong sa bubuuing Solid Waste Management Board ng siyudad para sa unti-unting pag-resolba ng nasabing problema sa basura.