Problema sa illegal recruitment at human trafficking, patuloy na tinutugunan ng Marcos administration

Nagdodoble kayod ang gobyerno para maresolba ang matagal nang problema sa illegal recruitment at human trafficking.

Ito ang pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nang bumisita sa Malacañang si International Labor Organization (ILO) Director General Gilbert Houngbo.

Aminado ang pangulo na malaking problema sa Pilipinas ang illegal recruitment at nananatiling target ang bansa ng human trafficking.


Ngunit sinisikap aniya ng gobyerno na mapanatili ang Tier 1 classification na ang ibig sabihin ay fully compliant ang bansa sa minimum standards sa paglaban sa malalang klase ng trafficking in persons.

Ayon sa pangulo, ang problema sa human trafficking ay hindi na lang sa Pilipinas laganap kundi sa iba pang karatig-bansa sa Asya gaya ng Indonesia at Vietnam.

Sinabi naman ng ILO chief, magagamit nilang modelo ang mga hakbang ng Pilipinas para labanan ang human trafficking.

Facebook Comments