Prayoridad ng bagong talagang Officer-In-Charge (OIC) ng Land Transportation Office (LTO) ayusin ang problema sa plaka at plastic cards na linsensya.
Ayon kay Atty. Hector Villacorta, kasama sa marching order sa kaniya ni Transportation Sec. Jaime Bautista ang magsagawa ng physical at financial inventory sa buong ahensya sa loob ng 15 araw upang malaman ang status sa ngayon ng LTO.
Inanunsyo ni Atty. Villacorta na ongoing na ang bidding process para sa procurement ng license cards.
Aniya, oras na lumabas na ito ay magiging prayoridad sa unang tranche ang mga Overseas Filipino Worker (OFW).
Kaugnay nito, tiniyak rin ni Atty. Villacorta na ipagpapatuloy nito ang mga magandang inisyatibo ni outgoing Asec. Jay Art Tugade sa ahensya.
Pormal na uupo sa pwesto bilang LTO OIC si Atty. Villacorta simula bukas, June 1.