PROBLEMA SA KALUSUGAN | SEC Commissioner Blas James Viterbo, nagbitiw sa pwesto

Manila, Philippines – Nagbitiw na sa pwesto si Securities and Exchange Commission (SEC) Commissioner Blas James Viterbo dahil sa isyung pangkalusugan.
Ito ang kinumpirma ni Finance Secretary Carlos Dominguez, na siyang nagpadala mismo ng resignation letter ni Viterbo kay Pangulong Rodrigo Duterte kahapon.
Ayon kay Dominguez, sasailalim kasi ngayon ang opisyal sa medical treatment matapos makaranas ng irregularidad sa pagtibok ng puso.
Si Viterbo na isang tax lawyer ay inappoint ni dating Pangulong Benigno Aquino III sa pwesto noong May 2014 at mayroong termino na tatagal sana hanggang May 2021.

Bukod dito, nanilbihan din siya bilang miyembro ng board ng Development Bank of the Philippines (DBP).

Facebook Comments