PROBLEMA SA KANAL, DAHILAN NG PAGBAHA SA SAN NICOLAS

Itinuturong dahilan ng pagbaha sa mga kabahayan at kakalsadahan sa Brgy. Malilion, San Nicolas sa maliit na kapasidad ng kanal.

Ayon sa Municipal Engineering Office, hindi umano sapat ang lapat at lalim ng kanal dahilan upang saluhin ng barangay ang tubig.

Base sa inspeksyon, posibpeng lagyan ng checkgate ang kanal upang makontrol ang agos ng tubig at cross drain upang may iba pang pwedeng agusan ang tubig.

Nanindigan ang lokal na pamahalaan na paalala ang insidente upang magkaroon ng maayos na plano ang mga istruktura para sa benepisyo ng mga residente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments