Mga kabataan, hinikayat na manguna para masolusyunan ang problema sa kapaligiran

Hinikayat ni Rizal Rep. Fidel Nograles ang mga kabataan na manguna sa pagbibigay solusyon sa environmental issues tulad ng pagbaha at re-greening.

Kasunod ito ng isinagawang third leg ng aktibidad na “Save Our Forests Now” na dinaluhan ng 1,000 kabataan mula sa Montalban, Rizal kung saan higit 1,000 bamboo saplings ang naitanim sa Wawa ng Barangay San Rafael sa Bayan ng Rodriguez.

Ayon kay Nograles, dapat manguna ang mga kabataan sa re-greening movement lalo’t ang henerasyon ngayon ang siyang makikinabang at magmamana sa kapaligiran at kalikasan sa hinaharap.


Naalarma kasi si Nograles dahil lumalabas sa mga survey na hindi itinuturing na “urgent concern” ng mga kababayan ang usapin sa kalikasan.

Binigyang-diin nito na dahil sa pananalasa ng mga bagyo, pagtaas ng tubig sa mga coastal towns, at iba’t ibang banta sa ecosystem ay nararapat lamang na iprayoridad na ngayon ang usapin sa environment at climate change sa bansa.

Samantala, target namang isagawa ang 4th leg ng activity ng simultaneous planting o sabay-sabay na pagtatanim sa distrito at inaasahang magiging hudyat ito ng paglaki at pagkakaroon ng pambansang kilusan ng mga kabataang eco-warriors.

Facebook Comments