Problema sa kawalan ng trabaho, dapat solusyunan para mapabilis ang pagbangon ng ekonomiya

234

Nanawagan si Senator Grace Poe sa mga opisyal ng gobyerno na solusyunan ang problema ng unemployment o kawalan ng trabaho para mabilis na makabangon ang ekonomiya.

Pahayag ito ni Poe sa harap ng paghikayat sa lahat, pati sa mga bata, na lumabas at gumastos para pasiglahin ang ekonomiya.


Diin ni Poe, malupit at manhid na sabihan ang mga taong lumabas at gumastos kung nawalan na nga sila ng trabaho at ang mahal pa ng bilihin ngayon, lalo na ang pagkain.

Dahil dito ay iginiit ni Poe sa mga economic managers na tulungan ang mamamayan na magkaroon ng panggastos bago sila hikayating gumastos.

Nagtataka rin si Poe kung bakit nagkukumahog ngayong umaksyon ang mga economic managers gayong noong nakaraang taon pa dumadaing ang mga negosyo at nakakadismayang hindi rin pinakinggan ang kanilang mga mungkahing solusyon.

Facebook Comments