Problema sa kuryente sa Occidental Mindoro, pinaiimbestigahan sa Senado

Bilang tugon sa reklamo ng mga residente ng Occidental Mindoro ay isinulong ni Senador Win Gatchalian na maimbestigahan ng Senado paulit-ulit na power interruption na ilang taon nang problema sa lalawigan.

Tinukoy ni Gatchalian ang mga reports na tumigil ang Occidental Mindoro Consolidated Power Corporation sa pagsusuplay ng kuryente sa Occidental Mindoro Electric Cooperative Inc. (OMECO) noong Hunyo 25 matapos mapaso ang kontrato nito sa nasabing kooperatiba.

Binanggit ni Gatchalian na naibalik ang pagseserbisyo nito noong nakaraang Lunes makaraang aprubahan pansamantala ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang isang power supply agreement sa pagitan ng OMECO at OMCPC upang makapagbigay ng kaukulang suplay at maiwasan na ang rotational brownouts.


Ayon kay Gatchalian, kung hindi mabibigyan ng solusyon ang problemang ito ay mapag-iiwanan ang probinsya ng Occidental Mindoro.

Diin ni Gatchalian, kung walang kuryente, walang negosyo, walang kita ang mga tao at kung magpapatuloy pa ito sa mga susunod na buwan ay maaaring maapektuhan pati ang pagpasok sa paaralan ng mga mag-aaral.

Facebook Comments