Problema sa mahinang internet connection sa unang araw ng pasukan, sisilipin ng Senado

Sisilipin sa pagdinig ngayong araw ng Senado sa 2021 proposed budget ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang problema sa mabagal na internet connection sa bansa.

Kasunod na rin ito ng pag-buhos ng mga reklamo kahapon sa unang araw ng pagbubukas ng klase sa mga pampublikong paaralan kaugnay sa mahina o di kaya’y kawalan ng internet connection ng mga mag-aaral para sa kanilang online class.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Sen. Imee Marcos na kanilang pagpapaliwanagin ang DICT kung bakit nangyari ito.


Ayon kay Marcos, maging sila sa Senado ay hindi nakapagsagawa ng budget hearing kahapon dahil sa kawalan ng internet connection.

Sa 2021 proposed budget ng DICT, aabot sa ₱13.4 billion ang inilaan para sa National Broadband Program (NBP) na naglalayong mapaayos ang internet connection sa bansa.

Facebook Comments