Tututukan ng Department of Health Region 1 at ng National Nutrition Council Region 1 ang isyu ng pagkapayat at pagkabansot ng mga tao sa Pangasinan, Ilocos Sur, Ilocos Norte at La Union.
November 16, 2017 naganap ang Regional Dissemination ng Philippine Plan of Action For Nutrition 2017-2022 o PPAN sa Bangko Sentral San Fernando City, La union na naglalayong labanan ang malnutrisyon sa rehiyon. Ayon kay Department of Health Region 1 Director Myrna Cabotaje ang pagkapayat at pagkabansot ang dapat na tutukan dahil ito ang problema ng bawat Pilipino na dulot ng chronic malnutrition at acute malnutrition. Sa buong Pilipinas 33.4 o 38 milyon na porsyento ang apektado ng pagkabansot at target ng rehiyon na bumaba ito ng 21.4 na porsyento. Sa pagkapayat naman mayroong 7. 1 porsyento o 807, 057 at target rin umano na mapababa at isaalang alang bilang isang problema ng publiko. Maibabalik ang tamang timbang kung ang bawat Pilipino ay nagtutulungan.
Ang pagkabansot at pagkapayat ay nakapaloob sa PPAN na kung saan ito ay plano ng bawat Pilipino kasama ang ibat-ibang sektor ng lipunan at dapat isagawa, isa isip at isapuso ang PPAN ayon kay Director Cabotaje.
Micro nutrient deficiency, vitamin a deficiency, at iodine deficiency disorder ang ilan pa sa mga ibang tutukan ng DOH at ng NNC Region 1.
[image: Inline image 1]
Problema sa Malnutrisyon at Pagkabansot Tutukan sa Rehiyon Uno!
Facebook Comments