Problema sa Malnutrition tinututukan ng LGU Buldon

Abot sa 70 na mga kabataan ang nakabiyaya sa supplemental feeding program ng LGU Buldon .

Isinagawa ang aktibidad sa Brgy. Aratuc at pinangunahan ni Mayor Abolais Manalao kasama sina Vice Mayor Atty. Cairoden Pangunotan katuwang ang Municipal Nutrional Action Council, DSWD at RHU.

Layunin ng programa ay para isulong ang magandang kalusugan sa mga kabataan ng buong bayan at maibsan ang problema sa malnutrition giit pa ni Mayor Manalao.


Hinihikayat naman ng alkalde ang lahat ng mga magulang sa buong bayan na maging responsable sa pagpapalaki ng kani- kanilang mga anak. Pinasalamatan rin ng mga residente ang naging inisyatiba ng LGU.

Ang programa ay isa lamang sa kampanya at adbokasiya ni Mayor Manalao para sa kanyang mga kababayan.


Facebook Comments