Problema sa mental health ng ilang mga OFWs sa Taiwan at Singapore, kailangang tugunan ng gobyerno

Hiniling ni OFW Party List Representative Marissa “Del Mar” Magsino sa gobyerno na tugunan ang problema sa mental health ng ilan nating kababayan na nagta-trabaho sa Taiwan at Singapore.

Panawagan ito ni Magsino sa pamahalaan kasunod ng kaniyang pagbisita sa libu-libong mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa nabanggit na mga bansa.

Nabatid ni Magsino na bagama’t karamihan sa ating mga kababayan sa Taiwan at Singapore ay maayos ang trabaho at kondisyon ay mayroon sa kanila ang nasasadlak sa mental health problems habang ang iba ay nabiktima ng mga scammers at money launderers.


Binanggit ni Magsino na ang iba sa mga OFWs ay takot na tanggalin sa trabaho ng kanilang mga amo kaya umiiwas silang magpatingin ng karamdaman.

Dagdag pa ni Magsino, kulang din talaga ang ating mga Embahada at Konsulado ng komprehensibong programa at mga tauhan na may sapat na kaalaman sa mental health, upang ang ating mga OFWs ay mabigyan ng akmang tugon sa kanilang kalagayan.

Bunsod nito ay imungkahi ni Magsino na maisama sa bilateral labor agreements ng Pilipinas sa iba’t ibang bansa ang pagpapadali sa access ng mga OFWs sa on-site mental facilities and services.

Facebook Comments