Nanawagan ang Philippine Nurses Association (PNA) sa pamahalaan na tutukan ang problema sa pamamahagi ng kompensasyon at allowances sa mga healthcare workers na nagsilbi sa panahon ng pandemya.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni PNA President Melvin Miranda na mismong ang Department of Health (DOH) ang nagprisinta sa kanila na marami pa ang nakabinbing disbursement ng pondo para sa COVID-19 benefits ng mga healthcare workers.
Sa ngayon, para pa lamang sa buwan ng Enero at Pebrero ang naibigay ng DOH.
Aminado rin si Miranda na maraming nurses na ang nag-resign at nag-abroad na lamang dahil sa mababang sahod dito sa Pilipinas.
Pinakaapektado aniya sa pag-aalisan ng mga nurse ang mga pribadong ospital.
Facebook Comments