Problema sa mga obligasyon ng PhilHealth, tututukan ng bagong DOH secretary

Tiniyak ni bagong Health Sec. Teodoro Herbosa na sisimulan niyang ayusin ang mga nakabinbing obligasyon ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Partikular na tinukoy ni Herbosa ang mga pagkakautang ng PhilHealth sa ilang ospital.

Aniya, mahalagang maipagpatuloy ang access ng PhilHealth members sa de-kalidad na health care.


Sa kabilang dako, nagbanta rin si Herbosa na mananagot ang mga nagsamantala sa national health insurance.

Facebook Comments