Problema sa mga rebeldeng komunista, tatapusin na ni Pangulong Duterte

Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na kailangang tapusin ang giyera sa mga rebeldeng komunista sa lalong madaling panahon.

Sa kanyang talumpati sa ika-31 taong anibersaryo ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) sa Department of Agrarian Reform (DAR) main office in Quezon City, sinabi ng pangulo na hindi na dapat mamana ng susunod na henerasyon ang matagal ng problema sa rebelyon at komunismo.

Maghanda aniya ang publiko sa mga susunod na buwan dahil magiging marahas ang gobyerno sa pagtapos sa communist insurgency


Binanggit din ng pangulo ang “very radical change” sa gobyerno para epektibong resolbahin ang mga hamong pangseguridad.

Binigyang diin pa niya na maraming nilalabanan ang gobyerno, na bukod sa mga komunista ay kasama na rito ang Abu Sayaff group at ilegal na droga.

Sinabi rin ng pangulo na maaari pa ring ipatupad ang Land Reform Program kahit wala ang kanilang rebelyon.

Matatandaang hindi na itinuloy ng pangulo ang peace talks sa komunistang grupo kasunod ng mga pagpatay sa mga sibilyan at tropa ng gobyerno.

Facebook Comments