Problema sa mga toll plaza, pagpupulungan ng alkalde ng Caloocan City at NLEX ngayong araw

Inaasahang makikipagpulong na ngayong araw si Caloocan City Mayor Oscar Malapitan sa mga tauhan at opisyal ng North Luzon Expressway (NLEX).

Ito ay para pag-usapan ang mga isyu sa mga tollways partikular sa Radio-Frequency Identification (RFID) system na nagbunsod ng pagbigat ng trapiko sa lugar.

Ayon kay Malapitan, kakausapin niya ang NLEX para pag-usapan kung ano ang mga maitutulong ng lungsod para mas mapabuti ang serbisyo ng RFID system sa NLEX.


Nakita kasi aniya na magiging maluwag sana ang daloy ng trapiko papasok at palabas ng kaniyang nasasakupan kung magiging maayos ang sistema ng NLEX.

Sa ngayon, inaantay na lamang ng alkalde ang sagot ng NLEX kung anong oras ang pagpupulong.

Facebook Comments