Problema sa pabahay, inusisa ni Senator Revilla sa NHA at HUDCC

Pinagpaliwanag ni Sen. Bong Revilla, Jr.  ang mga opisyal ng National Housing Authority o NHA at Housing and Urban Development Coordinating Council o HUDCC kung bakit tiniyak na tanggihan ang mga ibinibigay nitong pabahay sa iba’t-ibang bahagi ng ating bansa.

Sa gitna ng isinasagawang Organizational Meeting and Briefing ng Committee on Urban Planning, Housing and Resettlement ay inilahad ni Revilla ang resulta ng census ng populasyon na isinagawa ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Lumalabas dito na ang occupancy rate ng urban resettlement na 92.61 porsiyento noong taong 2010 ay bumaba sa 92.57 sa taong 2015.


Paliwanag ng mga opisyales ng NHA at HUDCC, ang mabigat na dahilan sa likod ng pagtanggi ng mga binibigyan ng pabahay ay ang kanilang kabuhayan, trabaho, pag-aaral ng kanilang mga anak na karaniwang mas malaking dagdag gastos na kanilang pinapasan.

Dahil sa karamihan sa mga pabahay ay ibinigay na ang papeles sa mga dapat umukopa ay minamabuti pa nilang abandonahin ang mga pabahay o kaya ay ipinagbibili at bumabalik sa dati nilang tahanan.

Dahil dito ay tiniyak ni Revilla na mabigyan ng solusyon ang naturang problema sa lalong madaling panahon na papabor hindi lang sa mga benepisyaryo ng pabahay kundi maging sa panig ng NHA.

Facebook Comments