Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tinutugunan ng pamahalaan ang problema sa POGO at iligal na droga sa Pampanga
Ayon sa pangulo, hindi nagpapakakampante ang pamahalaan sa ganitong problema ng bansa.
Alam niya aniyang labis na nababahala ang mga Kapampangan sa problemang dala ng POGO na nagiging dahilan ng pagkasira ng kapayapaan sa kanilang lugar.
Kaugnay nito, bumuo na aniya ng taskforce ang DILG kontra sa mga krimen na may kaugnayan sa POGO sa lalawigan.
Nagsanib-pwersa na rin ang Bureau of Customs, Philippine Drug Enforcement Agency, at iba pang ahensiya ng pamahalaan para masawata ang pagpupuslit ng iligal na droga hindi lamang sa Pampanga kundi sa buong bansa.
Matatandaang naging kontrobersyal ang munisipalidad ng Bamban at Porac Pampanga matapos madiskubre ng mga otoridad ang mga pagtorture at iba pang ilegal na gawin sa mga scam hubs ng POGO.