Hindi maisalarawan ang emosyon ng higit dalawampung pamilya sa bayan ng Buldon , Maguindanao matapos muling magkaayos na makaraang magkagirian ng halos ilang dekada dahil sa away pamilya o rido .
Kahapon, isinagawa ang Mass Rido Settlement sa Brgy. Dinganen Gymnasium na sinaksihan nina Maguindanao PNP Director Agustin Tello, 37th Infantry Battalion Commander Lt. Col. Florencio Pulitor Jr., Engr. Abdulrakman Asim na syang nagrepresenta kay Maguindanao Governor Esmael Mangudadatu mga opisyales ng LGU na pinangunahan ni Mayor Abolais Manalao at Vice Mayor Atty. Cairudin Pangunotan.
Maliban sa pagbabalik ng kani kanilang mga high powered firearms, sumumpa rin ang mga naayos na pamilya sa quran.
Kabilang sa mga pamilya na dumalo at nangakong mangunguna sa kaayusan ng peace and order sa Buldon ang mga pamilyang Diarangkal, Ali, Usop, Rangeres, Bauma, Musama, Sadam Magoraon , De Guzman Gamor , Abas Calacop , Bataga Gamor , Taha Mamacaog, Zaman Pisianan, Casan Aminodin, Faisal Cawi, Badrodin Abdul- Azis, Saranga , Ariman, Siriman, Dialona Tander, Sarican, Aragan at Kilatn Family.
Itunuring namang makasaysayang araw ang isinagawang aktibidad para sa mga taga Buldon matapos idiklarang Rido Free na ang bayan ayon sa mga otoridad.
Sinasabing humigit kumulang sa 50 RIDO ang naayos sa ilalim ng administrasyon ni Mayor Abolais Manalao di lamang sa Buldon kundi maging sa mga kalapit bayan.
Kaugnay nito lubos na pinasalamatan ni Mayor Manalao ang lahat ng mga pamilyang nakiisa sa kanilang adbokasiya na tuluyang matuldukan ang problema sa RIDO na numero unong hadlang sa katiwasayan at kaunlaran ng kanilang bayan.
Pinasalamatan din ni Mayor Manalao ang inisyatiba ng 37th IB at ADR Team at naging tulay para magkaayos ang lahat ng mga nagkagiriang pamilya sa buong bayan.
Matatandaang hindi na mabilang ang mga nagbuwis ng buhay maliban pa sa mga naging sugatan dahil sa Rido sa Buldon at iba pang Iranun Towns sa Maguindanao. (DENNIS ARCON)