Pinatutukan ni Pangulong Bongbong Marcos sa mga miyembro ng Asia-Pacific Economic Cooperation o APEC economies ang mga problemang kinakaharap ng rehiyon sa sektor ng shipping at logistics na nagsisilbing backbone ng global trade and investment.
Ang mensahe ay inihayag ni Pangulong Marcos sa isinagawang APEC Leaders Informal Dialogue sa Bangkok, Thailand.
Inihalimbawa ng pangulo ang nangyayari sa Pilipinas kung saan may mga negosyong hanggang 30% ang gastos sa logistics lamang na isa sa mataas na rates sa rehiyon.
Kaya naman ayon sa pangulo bilang remedyo o solusyon sa problemang ito ay dapat nang tanggalin ang anumang uri ng diskriminasyon lalo na sa mga produktong nanggaling sa micro, small and medium enterprises o MSMEs.
Giit ng pangulo, may ibang paraan para matutukan ang non-trade at other related measures nang hindi nasasawalang bahala ang mga maliliit na negosyo.
Kailangan aniyang makapagpatuloy ang mga MSME para mas mapaangat ang kanilang kapabilidad at maipatupad ang pagbabago sa mas competitive environment.
Samantala, inihayag ding ng pangulo sa informal dialogue ang kahalagahan ng maritime crew, marime industry at transport sector sa pagtiyak ng pagpapalakas ng resilient global supply chains at post-pandemic recovery.