Upang magkatuwang na masulosyunan ang problema sa kakulangan ng suplay ng elektrisidad sa ilang mga bayan sa Maguindanao, nagpulong ang mga opisyales ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) at National Grid Corp. of the Philippines (NGCP).
Kasama ni BARMM Minister of Environment, Natural Resources, and Energy (MENRE) Abdulrauf Macacua si BARMM parliament member Tocao Mastura na nakipagpulong kay right-of-way officer Mendelson E. Saludo at transformer line supervisor Fermin T. Manos ng NGCP.
Sinabi ni Macacua na ang mga lokal na pamahalaan ng Sultan Kudarat, Sultan Mastura, Parang, Matanog, Barira and Buldon sa unang distrito ng Maguindanao ay nagpasaklolo na sa BARMM upang maremedyohan ang kakulangan ng kuryente sa kanilang mga lugar.
Tugon naman ng NGCP officials na ang nararansang outages ng mga power consumers sa nabanggit na mga bayan ay bunsod ng sub-station repairs.
Tiniyak din ng mga ito sa liderato ng BARMM na wala nang rotational blackouts dahil binili sila ng power supplies upang mas uminam ang kanilang serbisyon.
Problema sa suplay ng kuryente sa BARMM sosolusyunan na!
Facebook Comments