PROBLEMA SA SUPLAY NG TUBIG SA MAPANDAN, TINALAKAY

Nagsagawa ng pulong ang pamahalaang lokal ng Mapandan, mga miyembro ng Sangguniang Bayan at mga kinatawan ng PrimeWater North Luzon 2, upang talakayin ang kalagayan ng Mapandan Water District (MAWADI-PrimeWater).

Sa pagpupulong, tinalakay ang kasalukuyang estado ng operasyon, kabilang ang mga hamon at isyung kinakaharap ng water district.

Pinagtuunan din ng pansin ang mga usapin kaugnay ng suplay ng tubig sa mga residente, partikular ang kalidad, sapat na distribusyon, at pagpapanatili ng maayos at tuloy-tuloy na serbisyo.

Layunin ng naturang diyalogo na makahanap ng konkretong solusyon at mapalakas ang koordinasyon sa pagitan ng LGU at pribadong kompanya upang matiyak ang mas malinis, sapat, at tuloy-tuloy na suplay ng tubig para sa buong bayan.

Facebook Comments