Inisa-isa ng Department of Health (DOH) ang mga dahilan kung bakit maraming COVID-19 vaccines ang nasira.
Ayon kay Health Undersecretary at Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire, kabilang sa mga naging sanhi nito ang mga nangyaring kalamidad tulad ng pagbaha at ang pagkawala ng suplay ng kuryente na naging dahilan upang hindi maabot ang kinakailangang temperatura ng bakuna.
Nilinaw naman ni Vergeire na 4.7% lamang ng kabuuang mga bakuna ang nasira.
Ang paglilinaw ng DOH ay sa harap ng plano ng Kamara na magsagawa ng imbestigasyon kaugnay ng mga nasira at na-expire na bakuna kontra COVID-19.
Tiniyak naman ng DOH na handa silang humarap sa nasabing imbestigasyon.
Facebook Comments