Problema sa trapiko, tututukan ng DOTr at iba pang ahensya ng gobyerno

Tututukan ng Department of Transportation (DOTr) at ng iba pang ahensya ng gobyerno ang problema sa trapiko, partikular sa National Capital Region (NCR).

Ayon kay DOTr Secretary Jaime Bautista, handang makipagtulungan ang DOTr sa Metro Manila Development Authority (MMDA), Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine Coast Guard (PCG) sa gitna ng nananatili pa ring problema sa trapiko sa Metro Manila.

Dagdag pa ni Bautista, hindi man ganap na mawala ang mabigat na trapiko ay handa silang magkaroon ng partisipasyon upang maibsan o hindi masyadong maging malubha ang naturang problema.


Kailangan aniyang gawin ito bilang preparasyon na rin sa nalalapit na pagbubukas ng face-to-face classes sa bansa.

Facebook Comments