Problema sa water supply, kinumpirma ng NWRB

Nanawagan sa publiko ang National Water Resources Board (NWRB) na magtipid at maging responsable sa tamang paggamit ng tubig.

Ito ay sa harap na rin ng nararanasang kakapusan sa supply ng tubig na nakaimbak sa Ipo at Angat Dam.

Sinabi ni Dr. Sevillo David Jr., executive director ng NWRB ayaw na nila maulit ang naranasang krisis noong nakaraang tag-init na sobrang kapos sa tubig.


Sa ngayon mula sa 190 meters noong isang linggo bumababa na ngayon sa 188.97 ang level ng tubig sa Angat Dam.

Dahil dito may posibilidad na magpatupad ng rotational water interruption para makatipid lalo na mataas ang demand sa Kapaskuhan.

Facebook Comments