MANILA – Tiniyak ni Liberal Party (LP) Vice Presidential Candidate Leni Robredo na sosolusyunan niya ang problema sa Women’s Correctional kahit ano pa man ang maging resulta ng halalan.Sa kanyang pagdalaw sa Women’s Correctional sa Camp Karingal sa Quezon City, nalungkot si Robredo sa sitwasyon ng mahigit 600 inmates na nagsisiksikan sa 250 kapasidad na bilangguan.Ni-request ni Robredo sa warden ang inventory ng lahat ng kaso ng mga bilanggo.Plano niyang magsagawa ng session at magpapadala ng mga abugado para sa mga inmates na may matatagal nang kaso.Bago naging kinatawan ng 3rd district ng Camarines Sur, si Robredo ay naging abogado ng Public Attorney’s Office (PAO) at Non-Governmental Organization (NGO), kung saan siya nagbigay ng libreng tulong legal sa mahihirap at inaabusong kababaihan.
Problema Sa Women’S Correctional, Sosolusyunan Ni Liberal Party Vice-Presidential Bet Leni Robredo
Facebook Comments