Patuloy na tinutugunan ang problemang baha ng Dagupan City pagkatapos muli itong nabanggit ng alkalde sa isang Media Press Con kaugnay sa mga pinaplanong mga proyekto upang masolusyunan ang nasabing problema.
Matatandaan na nito lamang ay nagkaroon ng pulong ang lokal na pamahalaan ng Dagupan sa Department of Public Works and Highways o DPWH ukol sa gagawing pagkakaroon ng mga drainage system pati na rin ang gagawing upgrade/widening of roads at drainage system sa parte ng Downtown area.
Makatutulong naman ito upang maibsan ang pagbaha sa pamamagitan ng bagong mga maaaring lalabasan ng tubig nang hindi mapunta sa iisang parti ang tubig baha lalo na sa panahon ng high tide at tag-ulan.
Samantala, nailatag na rin ang ilan sa mga prayoridad na bahagi sa lungsod at unang pagtutuunan ng pansin tulad na lamang sa kahabaan ng AB Fernandez.
Inaasahang ngayong 2023 ang target sa implementasyon ng mga nasabing proyekto na tutugon sa problemang baha ng Dagupan City. |ifmnews
Facebook Comments