Naniniwala ang Palasyo ng Malacañang na hindi na kailangan pang umabot sa Korte Suprema ang bangayan ng mga Kongresista at ng mga Senador patungkol sa proposed 2019 National Budget.
Iginigiit kasi ng mga Senador na hindi na dapat ginalaw ng Kamara ang budget matapos itong sumalang sa Bicameral Conference.
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, bakit pa kailangang maipaabot sa sa Korte Suprema ang issue na ito gayong maaari namang maresolba ng mga mambabatas ang usapin.
hanggang sa ngayon naman ay hindi pa naglalabas ng detalye ang Malacañang patungkol sa naging pulong kagabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga mambabatas para subukang plantsahin ang gusot sa pagitan ng 2 kapulungan ng Kongreso.