Proceedings ng ICI, dapat ibukas sa publiko –Party-list rep

Ikinadismaya ni Akbayan Party-list Rep. Perci Cendaña ang umano’y pagtanggi ng Independent Commission for Intrastructure (ICI) na buksan sa publiko o i-livestream ang mga proceedings nito.

Giit ni Cendaña, karapatan ng taumbayan na ninakawan ng bilyon-bilyon na mapanaood ang proceeding ng ICI.

Ikinatwiran ni Cendaña na kung walang transparency ay baka hindi makamit ang tunay na pananagutan ng mga sangkot sa maanomalyang mga proyektong imprastraktura pangunahin ang flood control projects.

Ipinunto ni Cendaña na kaya nga may naganap na pangungulimbat ay dahil hindi transparent ang proseso mula sa bicam hanggang sa project implementation kaya hindi katanggap-tanggap na pati sa investigation ay walang transparency.

Facebook Comments