Tiniyak ng Malacañan na makikinabang ang mga Pilipinong nangangailangan mula sa pagsusubasta sa higit 700 milyong pisong halaga ng alahas ni dating first lady Imelda Marcos.
Ito ang pahayag ng Palasyo matapos magbigay ng go-signal si Pangulong Rodrigo Duterte sa public auction sa Marcos jewelry.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo – nais ng Pangulo na mapunta ang lahat ng proceeds sa mga nangangailangan ng tulong ng gobyerno.
Pagtitiyak din ni Panelo na hindi ito makakaapekto sa suporta ni incoming Senator Imee Marcos sa Pangulo.
Facebook Comments