Processed pork meat product na Ma Ling, ipinagbabawal ng FDA

Kabilang ang patok na processed pork meat product na Ma Ling sa temporary ban sa mga karneng baboy dahil sa African swine fever.

Ayon kay Food and Drug Administration officer in charge Eric Domingo layon ng hakbang na tiyakin na hindi makakaapekto ang virus sa bansa.

Sinabi ni Domingo na ang African swine fever ay “highly contagious” na sakit ng mga baboy na nasasalin sa mga tao


Kabilang sa ipinagbabawal ang mga processed pork meat products mula Vietnam, Zambia, South Africa, Czech Republic, Bulgaria, Cambodia, Mongolia, Moldova at Belgium, China, Hungary, Latvia, Poland, Romania, Russia at Ukraine.

Kasunod nito mag iikot ani Domingo ang FDA regulatory board upang matiyak na walang mabibiling Ma Ling sa mga pamilihan.

Hinihikayat din nito ang publiko na isumbong sa ahensya kung mayruon silang makita sa mga sari sari store at grocery ng nabanggit na produkto.

Ang african swine fever ay nagdudulot ng lagnat, walang ganang kumain, pagdurugo sa balat at internal organs.

Facebook Comments