Processing fee at maintenance sa ikakabit na Automatic Fare Collection System equipment sa public transport libre na ayon sa DOTr

Inihayag ngayon ng pamunuan ng Department of Transportation (DOTr) na wala nang babayaran pang processing at maintenance fee ang operator ng bus at jeepney sa i-install na Automatics Fare Collection System sa public transport sa bansa.

Ang pahayag ng DOTr ay kasunod ng panghihikayat sa public transport operators na sundin na ang bagong sistema dahil magiging bahagi na ito ng new normal.

Ayon kay DOTr Secretary Arthur Tugade, isa itong paraan para mapabuti pa ang serbisyo ng transportasyon sa Pilipinas.


Paliwanag ng kalihim bukod sa magiging maayos na ang accounting sa kita ng isang operator, malaking bagay ang cashless na pagbabayad ng pamasahe sa pag-iwas sa pagkalat ng virus at pagsunod sa Social Distancing.

Dagdag pa ni Tugade na dati ay naniningil ng 4% – 6% sa arawang kita ang Automatic Fare Payments Incorporated pero nagpasya ang contractor na huwag nang maningil pa ng maintenance at processing fee bilang pagpapakita ng suporta sa modernization ng transport system sa bansa.

Nilinaw ng kalihim na ang mga Automatic Fee Payment Incorporated Ticketing Terminals ay tumatanggap ng Beep Cards, GCash at QR Code na paraan ng pagbabayad ng anumang mga serbisyo at ngayong papasok na sa new normal ay kasama na rin ang pamasahe.

Facebook Comments