Proclamation rally ng PDP-Laban, dinagsa ng supporters

Dagsa ang mga tagasuporta ng mga tumatakbong senador sa ilalim ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan o PDP-Laban dito sa Club Filipino, Greenhills, San Juan.

Ito’y kasabay ng proclamation rally ng PDP-Laban ngayong araw kung saan inaasahang pangungunahan ni PDP-Laban Chairman at dating Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtataas ng kamay ng mga pambato o manok ng partido.

Sa nagpapatuloy na aktibidad, isa-isang nagsalita sa entablado ang mga tumatakbong senador kung saan kanilang sinabi ang kanilang mga plataporma at plano saka sakaling palarin na manalo bilang senador sa nalalapit na 2025 midterm elections.


Kasama sa senatorial candidates sa ilalim ng PDP-Laban ay ang re-electionist senators na sina Sen. Ronald ‘Bato’ Dela Rosa at Sen. Christopher “Bong” Go, aktor na si Philip Salvador, Atty. Raul Lambino, SAGIP Party-list Rep. Rodante Marcoleta, Atty. Jimmy Bondoc, Atty. Jesus “Jayvee” Hinlo, Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Apollo Quiboloy at Atty. Vic Rodriguez.

 

Facebook Comments