Procurement process ng bagong PAGCOR logo, pinapaimbestigahan sa Kamara

Pinapaimbestigahan ng Makabayan Bloc sa Mababang Kapulungan ang umano’y kwestyunableng procurement ng bagong logo ng Philippine Amusement and Gaming Corporation o PAGCOR.

Ang hirit na imbestigasyon ay nakapaloob sa House Resolution No. 1120 na inihain nina ACT Teachers Party-list Rep. France Castro, Gabriela Women’s Party Representative Arlene Brosas at Kabataan Party-list Representative Raoul Manuel.

Diin ni Castro, pagsasayang lang ng pera ng taumbayan ang nasabing PAGCOR logo na ginastusan ng P3 milyon.


Hinala ni Castro, posibleng nagkaroon ng korapsyon o maling paggamit sa pera ng mamamayan.

Paalala ni Castro, dapat managot ang nasa likod ng umano’y maanumalyang procurement process sa gobyerno, lalo at lubog na ang Pillpinas sa utang na umabot na sa P14.1 trilyon.

Sabi ni Castro, mas mainam na inilaan na lang sana sa pagtatayo o pagpapahusay sa National Child Development Centers ang perang ginastos sa PAGCOR logo para mas maraming bata pa sana ang nakinabang.

Facebook Comments