Production group na kinabibilangan ni Arjo Atayde, humingi ng paumanhin dahil sa paglabag ng health protocols sa Baguio City!

Humingi na ng paumanhin ang production company na kinabibilangan ng aktor na si Arjo Atayde sa dahil sa naging paglabag nila sa health protocols.

Ito ay matapos mabatikos ang aktor dahil sa pahayag ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na umalis si Arjo sa kanilang siyudad kahit na nagpositibo ito sa COVID-19.

Bukod diyan, hindi rin nasunod ang pagkakaroon ng bubble sa 100-katao na kasama sa productions dahil may labas-masok pa rin sa lugar at hindi dumaan sa proseso ng health assessment ng lungsod.


Samantala, ibinahagi rin ng head ng production company na nakaranas si Arjo ng mild na sintomas ng COVID-19 habang sa ngayon ay itinigil muna ang shooting ng nasabing pelikula.

Facebook Comments