Production subsidy para sa mga magsasaka, isinusulong ng isang kongresista

Suportado ng ilang kongresista ang pagbibigay ng production subsidy sa mga magsasaka sa bansa.

Kinatigan ni Gabriela Partylist Rep. Arlene Brosas ang hirit na P15,000 na production subsidy para sa mga magsasaka na apektado ngayon ng mga nagdaang kalamidad at sunod-sunod na pagtaas ng produktong petrolyo.

Ikinasasama ng loob ng mambabatas na walang pondong inilaan ang pamahalaan para sa ayuda sa mga magsasaka at nabaon pa ang mga ito sa utang.


Sa halip aniya kasi na tulong ay may inalok pa na loan ang pamahalaan na P5,000 na ipinalalabas nilang pinansyal na tulong sa mga magsasaka.

Naitala rin ngayong taon ang pinakamababang presyong ng palay na nasa P10 kada kilo.

Nananatili namang P12 hanggang P13 ang presyo ng kada kilo ng palay sa maraming lalawigan pero masyado pa rin itong mababa kumpara sa dapat na average production cost ng palay na P15 kada kilo.

Nangako naman ang kongresista na patuloy nilang igigiit ang pagpapatibay sa panukalang Rice Industry Development Act o RIDA na layong paunlarin ang local rice industry at mapabuti ang kondisyon ng mga magsasaka.

Facebook Comments