Produksiyon ng asukal sa Pilipinas, umabot sa 2.134 MMT nitong Hunyo

Umabot sa 2.134 million metric tons (MMT) ang produksyon ng asukal sa Pilipinas nitong Hunyo.

Mas mababa ito kumpara sa output noong nakaraang taon pero bahagya namang nalampasan ang nirebisang sugar production projection na 2.101 MMT para sa crop year 2020-2021.

Ang crop year 2020-2021 ay magtatapos sa Agosto 31.


Facebook Comments