Welcome sa Malacañang ang naitalang 1.9% na inflation rate sa buwan ng Setyembre, na pinakamababa simula noong May 2020.
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), ang pagsadsad ng inflation ay resulta ng mga programa at kampanya ng gobyerno upang mapanatiling abot-kaya ang presyo ng mga bilihin.
Dahil dito, pananatilihin ng pamahalaan ang mga istratehiya sa pagpapababa ng inflation rate o paggalaw ng presyo ng mga bilihin.
Palalakasin pa nila ang produksyon ng pagkain habang sinisiguro rin ang napapanahong pag-i-import upang mapunan ang mga kakulangan sa suplay, upang maiwasan ang pag-manipula sa mga presyo at stocks.
Samantala, mahigpit namang tinututukan ng pamahalaan ang presyo ng mga produkto sa gitna ng papalapit na Christmas season.