PRODUKSYON AT SUPLAY NG MAIS SA SAN NICOLAS, TARGET PANG PALAKASIN

Nais palakasin ang produksyon ng mais at matiyak na sapat ang suplay nito matapos ang pamamahagi ng 1,800 kilo ng binhi ng mais sa San Nicolas.

Abot sa 212 magsasaka mula sa sampung barangay na kinabibilangan ng Cabuloan, Camanggaan, Casaratan, Lungao, Poblacion East, Poblacion West, San Rafael Centro, San Rafael East, San Rafael West, at Sto. Tomas ang benepisyaryo ng programa.

Tinukoy ng Pangasinan Provincial Agriculture Office ang San Nicolas na kabilang sa Top 10 sa nakakapagprodyus ng mais noong 2022 na may aning umabot sa 11,707.30 metriko tonelada.

Noong unang kwarter ng 2024, pumalo naman sa 244,504 metriko tonelada ang produksyon ng mais sa Pangasinan mula sa iba’t-ibang bayan kabilang ang San Nicolas.

Patuloy ang suporta ng lokal na pamahalaan sa sektor ng agrikultura upang payabungin pa ang kabuhayan ng mga lokal na magsasaka. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments