Produksyon ng ‘adlay,’ palalakasin ng pamahalaan ayon kay Cabinet Secretary Nograles

Isinusulong ng pamahalaan na palakasin ang produksyon ng ‘adlay,’ isang alternatibong staple food crop na layong maitaas ang kinikita ng mga magsasaka at mapaigting ang food security ng bansa.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, maituturing na ‘game-changer’ ang adlay production sa paglaban sa gutom at kahirapan.

Ang adlay aniya ay mas masustansya kumpara sa mais, at kahit sa brown at white rice.


Dagdag pa ni Nograles, ipupursige ang pagtatanim ng adlay sa CARAGA Region bilang staple food ng mga residente at bilang source ng kabuhayan ng mga magsasaka, mga katutubo, rebel returnees, at maging sa mga nakatira sa Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDA).

Si Nograles ay nagsisilbing chairperson ng Zero Hunger Task Force, at Cabinet Office for Regional Development and Security (CORDS) sa CARAGA Region.

Nakikipagtulungan ang tanggapan ni Nograles sa Department of Agriculture (DA) para sa mapalaganap ang adlay production sa nasabing rehiyon at iba pang bahagi ng Mindanao.

Facebook Comments