Isinisisi ngayon sa importasyon ang pagbaba ng produksyon ng Asin sa bayan ng Dasol, ayon kay Mayor Rizalde J. Bernal. Inihayag ito ng Alkalde sa kauna-unahang Salt Congress sa Pilipinas na ginanap sa Sison Auditorium, Lingayen Pangasinan na pinangunahan ng Pangasinan State University.
Sinabi ng Opisyal, ang bayan ay mayroong 400 ektarya ng salt farms na dapat ay nasa 17.5 na metrikong tonelada ang kanilang produksyon sa loob ng isang taon ngunit nasa tatlo hanggang apat na taon nang pababa ang produksyon na nasa 35% na lamang.
Nalulugi na aniya ang mga mag-aasin sa bayan dahil sa importasyon kung kaya’t ilan sa mga ito ay nag-iiba na ng kanilang pinagkakakitaan.
Sa datos ng bansa, nasa 93% ng asin ang imported at 7% lamang dito ay Asin na gawa ng mga Pilipino. Sa buong bansa dalawang probinsiya lamang ang mayroong “significant contribution’ ng domestic na asin ito ay Occidental Mindoro at ang Pangasinan.
Dahil dito, isinusulong ang mabilis na pagpasa ng House Bill 1976 na magtatag ng Inter agency na tututok sa salt industry upang matiyak na magiging self-sufficient sa asin ang bansa.
Kabilang din sa isinusulong ni Mr. Gerard Khonghun ang presidente ng PhilAsin, ang pag convert ng ilang palaisdaan na maging salt farms at pagbibigay ng trainings, teknolohiya bilang suporta sa mga magsasaka.
Sa pag-aaral ng BFAR mayroong sampung lugar sa Pilipinas na mayroong magandang klima na maaaring makapagpataas ng produksyon at Kung mangyari man ito maaaring maging exporter din ng asin ang Pilipinas.
Kagawaran ang 18 diesel-powered sasakyan ng gobyerno. Lumalabas na ang mga ito ay tumalima sa Vehicle Emission Standards sa ilalim ng Department Administrative Order No. 04 series of 2015 o ang “Implementation of Vehicle Emission Limits for Euro 4 and in-use Vehicle Emission Standards”.
Sa ilalim ng Republic Act 8749, o ang Philippine Clean Air Act of 1999 ang programa ay siyang susuri sa ibinubugang usok ng mga sasakyan upang masigurong ligtas sa kapaligiran at publiko.
Magpapatuloy ang inspeksyon ng kagawaran sa iba pang lugar sa Region 1. |ifmnews
Facebook Comments