PRODUKSYON NG ASIN SA PANGASINAN SALT FARM, TARGET NA GAWING WALONG LIBONG METRIKONG TONELADA SA 2025

Target na mag-ani ng walong libong metrikong toneladang asin sa Pangasinan Salt Farm na matatagpuan sa Bolinao sa taong 2025.

Sa isang panayam kay Assistant Provincial Agriculturist Nestor Batalla, aabot sa 50 million pesos ang inilaang budget ng tanggapan para sa salt center.

Ayon pa kay Batalla, mayroon na umanong storage area sa Salt Center sa Bolinao gayundin ay siniguro na nito ang mga road networks upang mapabilis ang transportasyon ng produkto.

Ngayong taon, pumalo sa 6,400 metric tons ang naiprodyus ng salt center kung saan kalahati nito ay binili ng Philippine Coconut Authority.

Samantala, nakatakdang suplayan ng Pangasinan ang PCA, ng aabot sa 4,180 salt bags ng agricultural grade salt fertilizer para sa target ng tanggapan na 55k coconut palms sa susunod na taon, ayon yan kay PCA Administrator Dr. Dexter Buted. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments