MANGALDAN, PANGASINAN – Apektado ang produksyon ng bangus sa ilang bahagi ng Pangasinan dahil sa epekto ng malamig na panahon.
Sa bayan ng Mangaldan, ang ilang mga mangingisda ay binawasan ang bilang ng kanilang inaalagaang mga bangus.
Daing ng mga ito ay masyadong mahal ang feeds na laging pagkain ng mga ito dahil walang tumutubong lumot kapag malamig ang panahon.
Dahil dito apektado ang bilang ng mga bangus na maaaring ma-harvest.
Aabutin ng pitong buwan bago makapag harvest muli ng bangus dahil sa lamig ng panahon kaya naman asahan ang pagtaas sa presyo ng bangus. | ifmnews
Facebook Comments