*Dagupan City *– Nagkaroon man ng fish-kill sa lalawigan noong nakaraang mga buwan dahil sa matinding init na naranasan dulot ng el niño, Pangasinan parin ang ngunguna sa may pinakamaraming produksyon ng bangus sa buong bansa.
Sa datos ng Office of the Provincial Agriculture aabutin sa humigit kumulang na 75,000 metric tons ang produksyon ng lalawigan mula sa mariculture at fishponds ng 16 na lugar sa Pangasinan. Pinakamalaking kontribusyon ng bangus ay nagmumula sa bayan ng Sual Pangasinan na umaabot sa 26.71% para sa buong lalawigan samantalang ang Dagupan na kilala bilang bangus capital dahil sa masarap na klase ay nasa 7.31% contribution lamang.
Samantala mas paiigtingin ng Provincial Agriculture at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang pagpapalawak ng pagbabangus sa pamamagitan ng mga bagong pamamaraan ng pagpaparami ng produksyon nito bilang tulong sa nasabing industriya.