Target pang palakasin ang produksyon ng Cacao sa bayan ng Pozorrubio sa pamamagitan ng pagkakaroon ng ilang kaalaman at kalinangan sa nasabing industriya tulad ng naganap na Training on Coffee and Cacao Production Cum Good Agricultural Practices.
Dinaluhan ang nasabing aktibidad ng mga cacao farmers ng bayan na planong palakasin ng lokal na gobyerno dito maging ang nagmumulang tulong mula sa ahensyang Department of Trade Industry o DTI at Department of Agriculture o DA.
Base sa records, ang bayan ng Pozorrubio ay ang bayan sa lalawigan ng Pangasinan na may pinakamalawak na taniman ng cacao kaya naman patuloy ang pakikipag-ugnayan ng mga katuwang na ahensya na mas lalo pang hikayatin ang mga residente na mas palakasin pa ang produksyon nito.
Ilang mga cacao farmers din ang dumalo at naliwanagan sa maaaring maging resulta ng personal nilang pagtatanim ng cacao, hindi lamang para sa kanilang sarili interest bilang tinitimplang inumin at sariling pagkain, gayundin ay maaaring bebenepisyo ito sa kanila kung tuluyang maipakilala ito sa merkado.
Sa kasalukuyan, lalawigan ng Pangasinan ay may pinakamaraming cacao manufacturer sa buong Region 1 at patuloy isinusulong ito upang maging kabilang sa mga top producer ng produktong cacao. |ifmnews
Facebook Comments