PRODUKSYON NG GATAS NG KALABAW, PINALALAGO SA STA. BARBARA

Pinalalakas ang lokal na produksyon ng gatas ng kalabaw sa Sta. Barbara matapos maipamahagi ang 25 dairy carabaos sa Aliguas Banaoang Farmers Association Inc.

Bahagi ito ng Organic Dairy Carabao and Vermicomposting Livelihood Project ng Department of Agriculture – RFO 1, katuwang ang Municipal Agriculture Office, na layuning madagdagan ang kabuhayan ng mga magsasaka at mapatatag ang sustainable agriculture sa bayan.

Sa programang ito, inaasahang tataas ang kakayahan ng asosasyon na makapag-produce ng organic dairy products habang gumagamit ng makakalikasang pamamaraan sa pagsasaka.

Patuloy namang binabantayan at sinusuportahan ng Municipal Agriculture Office ang pagpapatakbo, pag-aalaga, at pagpaparami ng mga naipamahaging hayop upang matiyak ang tagumpay ng proyekto.

Facebook Comments