PRODUKSYON NG GOLDEN RICE, NASA BAYAN NG MANGATAREM NA

Nasa bayan ng Mangatarem na ang Malusog Rice o ang Golden Rice na isang nakikitang salik upang matugunan ang Vitamin A deficiency (VAD) na common sa mga kabataan at buntis.
Alinsunod dito ang pakikipag-ugnayan ng tanggapan ng ikalawang distrito sa Philippine Rice Research Institute (PhilRice) sa naganap Stakeholders Engagement Activity.
Saklaw ng nasabing aktibidad ang kasanayan at dagdag-kaalamang naibahagi sa mga magsasaka ng bayan ukol sa mga hakbangin ng pagpapalawak ng Golden Rice sa bayan ng Mangatarem.

Samantala, tiniyak ng tanggapan ng ikalawang kongresista ng Pangasinan ang patuloy na pakikipagtulungan at pakikipag ugnayan sa PRRI upang magtuloy tuloy din ang pagpapayabong sa produksyon ng Golden rice. |ifmnews
Facebook Comments