Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang inagurasyon ng bagong planta ng harina ng Universal Robina Corporation’s sa Sariaya Quezon.
Ayon kay Pangulong Marcos, malaki ang maitutulong ng bagong planta sa pagsusulong ng food security sa Pilipinas, economic stability, at innovation sa bansa.
Tinatayang nasa 3, 500 metrikong tonelada ng harina ang madaragdag sa produksyon ng bansa sa harina, kada araw, dahil sa inagurasyon ng sampung hektaryang flour milling plant ng URC.
Makatutulong din ito sa pagtugon ng lumulobong demands sa lokal na merkado, habang tinitiyak rin ang availability ng high-quality food products para sa mga Pilipino.
Samantala, kinilala rin ng pangulo ang commitment ng URC sa pagbibigay ng de kalidad na produkto sa publiko, at sa pagbabawas ng environmental impact ng kanilang produksyon.